• 0995 904 3320
  • connect@greconph.org

News & Resources

Paano nga ba nagiging mahal ang presyo ng bigas?

Ano nga ba ang mga dahilan bakit nagiging mahal ang presyo ng bigas?

 

Sa isang talakayan, inilahad ni Mr Orly Manuntag ang prosesong pinagdadaanan ng bigas bago ito makarating sa pamilihan. Ang buong prseso o Value Chain ng industriya ng pagbibigas sa Pilipinas ay nahahati sa tatlong bahagi – Supply at Produksyon, Post-Harvest at Market Distribution to Consumption.

 

SUPPLY AT PRODUKSYON

 

Sa supply at produksyon, ito ay nagsisimula sa “Pagbibinhi” o ang pagpapatubo ng “Seedlings”. Sa bahaging ito, ang mga “Seed Growers” ay gumagastos na sa kanilang mga kinokonsumong “farm input” o kapital dahil sila ay bibili ng mga binhi na kanilang patutubuin, itatanim ang mga ito at pasisiglahin sa pamamagtan ng mga pataba sa lupa at mga pesticide upang masigurong walang anomang insekto o peste ang kumapit na pwedeng ikamatay o ikasira ng kalidad ng palay.

 

Sa nasabing talakayan nabanggit na ang karaniwang halaga ng mga pataba ay umaabot na sa mahigit Php 2,000.00 kada sako.

 

Ang mga napatubong binhi ay sya naming bibilin ng mga magsasaka, at itatanim sa kanilang mga sinasakang lupa.

 

Ngunit bago nila ito maitanim, maraming proseso pa ang kailangan nilang gawin, at dito ay may kaukulang gastusin nanaman ang ating mga magsasaka. Kailangan nilang araruhin at palambutin ang lupang pagtataniman at ito ay karaniwang ginagamitan ng kalabaw o ng traktora na inaarkila sa mataas na halaga ng ating mga magsasaka. Pagkatapos nito ay muli silang gagastos sa aktuwal na pagtatanim dahl nangangailangan sila ng mas maraming kasama na tutulong sa kanila na magtanim.

 

Sa loob ng halos tatlong buwan, habang lumalago at nahihinog ang mga itinanimna palay, wala din patid ang gastos ng ating mga magsasaka sa mga pataba at pesticide upang masiguro ang maganda at malusog na kalidad ng mga tanim na palay.

 

Matapos ang higit kumulang tatlong buwan, ito ay aanihin na ng ating mga magsasaka at ito ay may kaakibat na gastusin nanaman mula sa pagpapatuyo at paghihiwalay ng palay sa mismong tangkay nito na kadalasan ay ginagamitan ng makina na kanilang inaarkila at muling patutuyuin ang mga palay.

 

Sa kabuuan mula sa pagbibinhi hanggang sa pag-aani gumagastos ang isang magsasaka ng mula P12.00 hanggang P15.00 sa bawat kilo ng palay na kanilang maaani.

 

POST HARVEST

 

Ang mga palay ay sya naming bibilin nga mga palay trader or miller upang maiproseso ang mga ito upang maging bigas. Karaniwang binibili ang palay sa mga magsasaka sa halagang mula P17.00 hanggang P18.00 kada kilo(kaya’t mababa ang kinikita ng mga magsasaka sa halagang mula P2.00 hanggang P3.00 kada kilo ng palay na kanilang itinanim at inani.

 

Ang mga trader o miller ay mag-uumpisa na rin sa kanilang puhunan sa pagaarkila or pag-gastos sa paghakot ng mga palay upang dalin tio sa kanilang mga pasilidad. Pagdating sa kanilang pasilidad, ang gastos sa puhunan ay tuloy-tuloy sa pagpapa sahod ng mga manggagawa, pagbabayad ng kuryente na ginagamit upang masigurong pantay at nasa maayos na patuyuan ang mga palay.

 

Ang mga natuyong palay naman ay idadaan sa mga “milling machine” na karaniwang ginagamitan ng krudo o diesel na dagdag gastusin ulit, para balatan ang palay at ihiwalay ang ipa sa butil ng bigas. Ang mga butil ng bigas ay muling dadaan sa mga makina upang ito sa ihiwalay ayon sa kalidad at klase at muling lilinisin at papuputiin at isasako.

 

 

MARKET DISTRIBUTION AND CONSUMPTION

Ang mga naisakong bigas naman ay syang bibilin ng mga wholesaler at dadalin ito sa kanilang mga warehouse, dito naman maguumpisa ang pamumuhunan ng mga wholesaler at gagastos sila sa gasoline at krudo ng mga trak at tauhan nilang magdadala ng mga bigas sa knailang mga warehouse, bukod sa krudo at gasoline sila ay gumagastos din upang mapaniliting nasa magandang kundisyon ang kanilang mga trak at mga warehouse.

 

Ang mga bigas na ito ay sya namang idedeliver ng mga wholesaler (dagdag na sa gastusin sa gasoline, sahod ng drayber at pahinante, at mga toll sa mga highway sa dadaanan nito at bayad sa mga garahe) ang mga naturang bigas sa mga retailer sa mga pamilihan. Ang mga puhunang na ginastos ng mga wholesaler at ang kanilang kita ay ipapatong nila sa presyo na kanilang ibibigay sa mga retailer, at ang mga namuhunang retailer din ay maglalagay ng kanilang patong sa ipinuhunan upang sila ay kumita na sya namang ipapasa nila sa mga mamimili at karaniwang konsyumer.

 

Sa kasalukuyan, ang presyo ng karaniwang bigas sa mga pamilihan ay naglalaro sa halagang P42.00 hanggang P60.00 kada kilo dipende sa klase at kalidad ng bigas.

 

Sa kanyang palalahad, idiniin ni Mr Orly Manuntag na hndi lamang mga mamimili ang apektado sa bawat pagtaas ng presyo ng bigas. Ang suliranin ay unang pinapasan ng mga magsasaka na syang gumagasto ng malaki sa mula pagbibinhi hanggang pag-ani. Apektado rin ang mga miller, wholesaler at retailer dahil bukod sa presyo ng palay at bigas at sa mga karaniwang gastusin, apektado rin sila ng mga pagtaas ng ibang produkto lalo na ang gasoline, tubig at kuryente.

Apektado ka ba ng presyo ng bigas? Makialam ka!

Share via
Copy link
Powered by Social Snap