Nitong mga nakaraang araw, naglabas ang pahayagan ng mga balita ukol sa mas mataas pang bilang ng pag angkat g bigas bago matapos ang taong 2021.
Ayon sa mga balitang ito, inaasahang aabot sa humigit kumulang na 2.6 MT ang kabuuang bilang ng inangkat na bigas ng Pilipnas sa taong 2021. Mas mataas sa 2.3 MT noong 2020.
Epekto sa Pamilihan
Kung susuriin, hindi naman negatibo ang epekto ng pag-aangkat ng bigas sapagkat ito ay nakakatulong na mabalanse at masiguro sa sapat ang suplay ng bigas.
Ngunit, dahil sa mababang halaga ng taripa, mas marami na ang trader na nagiimport nalang kaysa tumangkilik at sumuporta sa lokol na mga magsasaka. Mababa ang taripa pero ang presyo ng bigas sa pamilihan ay nananatiling mataas dahil ito ay nakabase hindi na sa dami ng supply at demand bagkus ay nakabatay sa presyo sa pandaigdigang merkado.
Epekto sa mga magsasaka
Ang patuloy na kawalang kontrol at regulasyon sa pag aangkat ng bigas ay patuloy na nakaka apekto sa ating mga magsasaka.
Ang mababang taripa ay nagiging dahilan upang mas tangkilikin ng mga trader ang inangkat na bigas kumpara sa lokal na produksyon ng ating mga mgasasaka. Dahil sa mababang demand sa lokal na produksyon napipilitan ang mga magsasaka na ibenta sa murang halaga ang mga palay sa kabila ng mataas na gastos nila sa puhunan.
Hindi pa man natin nararamdaman at tuwirang nakikita, ngunit ang patuloy na pagtataas ng bilang ng ating pag-aangkat ang unting unting kumikitil sa industriya at kabuhayan ng ating mga magsasaka.
Hindi magtatagal, maraming by-products ng lokal na produksyon ng bigas ang higit na maapektuhan na sya namang magkakaroon ng kaukulang epekto sa presyo ng mga produktong ito sa merkado.
Ayon kay Mr Orly Manuntag ng Grains Retailers Confederation of the Philippines, malaki ang nagging epekto ng “Open Trade” sa industriya ng pagbibigas sa Pilipinas. Aniya “Sana ay masuri at muling mapag-aralan ng mas malalim ang nilalaman ng Rice Tarrification Law, sapagkat sa kasalukuyan, ito ang unti-unting kumikitil sa industriya ng pagbibigas sa Pilipinas”.
“Biruin mo, napipilitan ang mga magsasaka na ibenta ng mas mura ang produksyon nila ng palay dahil tinatalo na sila ng murang taripa sa inaangkat na bigas, ang kapalit nito bibigyan sila ng kakarampot na ayudang pinansyal ng gobyerno? Bakit hindi lang natin mas isulong na palakasin at suportahan ang lokal na produksyon ng bigas lalong lalo na ang mga magsasaka at ibalik ang sigla ng pag-aani at gawing pantawid suplay lamang ang mga inaangkat, kasi pagsumigla muli ang lokal na produksyon, darating ang panahon na hndi na natin kailangan mag-angkat pa para panatilihing balanse ang suplay ng bigas sa Pilipinas” dagdag pa niya.
References:
https://business.inquirer.net/336385/ph-set-to-end-2021-with-more-rice-imports
https://mb.com.ph/2021/12/11/ph-rice-imports-seen-surging-to-2-6-million-mt-by-end-2021/
Article image source: Manila Bulletin