Ilang buwan na ang nakakalipas mula nang magigay ng babala ang mga poultry farmers na malaking posibilidad ng pagtaas ng presyo ng itlog sa mga huling buwan at lingo ng taong 2021 na maaari pang umabot hanggang sa mga unang buwan ng 2022. Ganito rin ang nakikitang posibilidad ng mga hog-raisers na lubos nang dumadaing sa mataas na presyo ng farm input, mababang farmgate price at higit na mas mataas na bilang ng imported na baboy.
Pangunahing dahilan
Ayon sa mga poultry farmers, nappilitan silang mas maagang katayin ang mga inahing manok (80 weeks) mas bata kumpara sa karaiwang 100 to 110 weeks. Ito ay dahil sa mas tumataas na presyo ng puhunan para sa bitamina at pagkain (o karaniwang tawagin na patuka).
Ganito rin ang lubos na idinadaing ng mga kababayan nating magbababoy. Mataas ang farm input, mababa ang farmgate price, mataas ang bilang ng iniimport na laman baboy ngunit patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.
Epekto sa mga mamimili
Patuloy ang pagtaas ng mga farm inputs, na nagbibigay dailan upang mahirapan ang ating mga lokal na magsasaka at ang lalong nagpapahirap ay ang ‘open trade’ na lubhang nagpapataas ng bilang ng imported na kalakal kagaya ng laman ng baboy at mga pangunahing sangkap sa pagkain ng baboy at manok kagaya ng bigas, ngunit patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng baboy, itlog, manok at bigas sa mga pamilihan.
Ayon kay Mr Orly Manuntag ng Grains Retailers Confederation of the Philippines (GRECON), “unit unti na nating nararamdaman bilang mga konsyumer ang epekto ng open trade. Nagbibigay ang gobyerno ng mas mababang taripa kaya mas marami na ang nagaangkat na lamang galling sa ibang bansa pero ang presyo nito ay patuloy pa in na tumataas. Hindi lamang presyo ng bigas ngunit presyoat supply ng iba pang produktong pang agrikultura”
Panawagan ng mga Lokal na Magsasaka
“Kaya kami po ay nananawagan sa ating mga kapwa mamimili na mas piliin po sana nating tangkilikin ang mga lokal na produkto kagaya ng bigas, itlog, manok, baboy at mga gulay.” Ayon kay Mr. Manuntag ng GRECON.
Dagdag pa nya, “Ramdam at nauunawaan naming ang sentimyento at panawagan ng mga kapwa namin magsasaka sa lokal na agrikultura dahil sa atin pong mga konsyumer unang umaasa ang ating mga magsasaka na tayo ang lubos na tatangkilik sa ating mga lokal na produksyon”
Nakikitang Solusyon
Ayon kay Mr Manuntag, ang nakikita nilang agarang solusyon ay ang pag repaso at muling pagbisita sa mga nilalaman ng mga batas na naglalagay sa Pilipinas upang umasa Open Trade lalo na sa nga produktong pang agrikultura. Habang duadami ang pumapasok na imported na kalakal, nababawasan ang nagaangkat ng sarili nating mga produkto dahil sa taas ng presyo nito.
“Nakikita at nararamdaman naman natin na kahit patuloy ang pagdami ng iniimport ng produkto, hindi naman bumababa bagkus patuloy pa rin ang pagtaas ng ga presyo nito. At dahil dito apektado ang lahat magmula sa mga konsyumer hanggang sa mga lokal na magsasaka.”
References:
https://businessmirror.com.ph/2021/11/24/tight-egg-supply-seen-as-raisers-cull-chickens/
https://mb.com.ph/2021/09/15/pork-producers-decry-low-farm-gate-prices/
https://www.thepigsite.com/news/2021/11/philippines-hog-prices-inching-up