Kamakailan lamang ay ipinaliwanag ni Mr Orly Manuntag ng Grains Retailers Confederation of the Philippines (GRECON) sa isang panayam kasama ang Rights Action Philippines sa kanilang programang Kapihan SaRAP, ang kahalagahan ng Palay o pagsasaka ng bigas hindi lamang sa ga mamimili nito ngunit pati na rin sa ibang industriya na umaasa sa mga By-products ng Palay.
Ano-ano nga ba ang iba pang produkto na nakukuha natin mula sa palay?
DAYAMI
Maraming pangunahing produkto ang nakukuha sa dayami o Rice Stalks. Isa ito sa pangunahing pinagkukunan ng Bio-Fuel na ginagamit sa iba’t ibang industriya. Ang dayami ay ginagamit rin upang maging pataba sa lupa, pagkain ng alagang hayop kagaya ng kambing, baka at kalabaw, ito rin ang pangunahing ginagamit sa pagpapatubo ng nga kabute.
Ginagamit din ang dayami upang pangunahing sangkap sap ag-gawa ng lubid, papel at organic packaging.
IPA NG PALAY
Ang pinatuyong balat ng palay o Ipa naman ay isa rin sa pangunahing sangkap sap ag-gawa ng Bio-Fuel at Liquified Natural Gas. Ito rin ang pangunahing sangkap sap ag-gawa ng Silicon, Resin at mga Husk Board na ginagamit sap ag gawa ng kagamitan at muwebles sa bahay.
ABO NG IPA
Ang abo naman ng ipa ang pangunahing pinagmumulan ng bio-fertilizer organisms na ginagamit sa mga pataba sa lupa. Ito rin ang pangunahing pinagkukunan ng activated carbon na sya namang sangkap na ginagamit sa mga sabong pampaganda ng balat.
Ginagamit din ang abo ng Ipa bilang sangkap sap pag gawa ng konkreto bilang alternatibo sa karaniwang hallow blocks at mga bricks.
Ang mga fireproof na tela naman at mga foreproof na dingiding ay gawa rin sa abo ng ipa.
DARAK
Ang mga karaniwang Edible Grade Cooking Oil, Industrial Crude Oil naman ay mula sa naiprosesong Darak. Ito rin ang pangunahing sangkap sap ag-gawa ng Free fatty Acids at Tocopherol na ginagamit sa mga pangunahing bitamina sa katawan ng tao.
Ito rin ang pangunahing pagkain ng mga alagang hayop kagaya ng manok at baboy.
Kung susuriin napakarami ang pakinabang ng pagsasaka ng palay, hindi lamang dahil ito ang pinagkukunan ng bigas g bawat pamilyang Pilipino ngunit ito rin ang pangunahing inagkukunan ng sangkap ng ibat ibang industriya sap ag gawa ng ibat ibang produkto na higit na kinakailangan nating mga konsyumer.